Dalhin ang iyong mga Kliyente sa Malaking Seminar ng XM sa Kuala Lumpur

Nakapaskel Disyembre 24, 2018 ng 10:49 am GMT

Sa 2019 patuloy kaming magbibigay sa mga nag-iinvest online ng oportunidad na makapunta sa mga libreng seminar sa forex na isinasagawa ng XM sa buong Malaysia. Sisimulan namin ang bagong taon kasabay ng malaking eksklusibong seminar sa Kuala Lumpur sa Pebrero 16.

Marahil interesado ang aming mga partner at kanilang mga kliyente na pumunta sa nalalapit na kaganapan na gaganapin sa Sheraton Imperial Kuala Lumpur Hotel. Dito, inaabangan ang pinagsamang presentasyon nila Zulle Razak at Mohd Helmi Izani dahil may layunin itong turuan ang mga bisita ng paggamit ng magkakaibang pamamaraan sa technical analysis para sa mas mahusay na resulta sa pag-trade.

Ang mga nag-iinvest online na nais pumunta sa eksklusibong seminar ay hindi lamang magkakaroon ng oportunidad na matuto mula sa dalawang kilalang tagapagturo sa forex, ngunit makikilala at makakasalamuha din nila ang mga kinatawan ng aming kumpanya.

Sa kanilang mga presentasyon, tatalakayin nila Zulle Razak at Mohd Helmi Izani ang magkakaibang istratehiya sa swing trading at ipapakita nila kung paano ito matagumpay na isasama sa mga indibidwal na estilo sa pag-trade, sa tulong ng ilang tools ng Tradepedia gaya ng Avramis Swing Indicator at ng Avramis Trend Reversal Indicator.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa seminar at para imbitahan ang iyong mga kliyente na irehistro na kaagad ang kanilang mga puwesto, mangyaring mag-click dito.