Nalalapit na sa September: Mga Forex Seminar sa Thailand

Nakapaskel Hulyo 18, 2018 ng 11:42 am GMT

Ngayong September magkakaroon ng mga libreng forex trading seminar sa mga online investors sa Thailand, tulad ng mga nakaraang buwan ngayong taon. Magpapatuloy ang aming seminar sa mga siyudad ng Khon Kaen, Ubon Ratchathani at Chiang Rai.

Maaaring isa na namang magandang oportunidad para sa aming mga partner at IBs para ipaalam sa kanilang mga kasalukuyan at bagong kliyente ang nalalapit na seimnar na pamumunuan ng propesyonal na instruktor na si Sompop Jittrakul tungkol sa paksa ng technical analysis sa forex swing trading.

Sa bawat isa sa tatlong lokasyon, magbibigay si Sompop Jittrakul ng praktikal na impormasyon tungkol sa mga eksaktong hakbang na kailangang isagawa para sa tamang paggamit ng mga chart at indicator, kabilang na ang ilan sa mga tools na pagmamay-ari ng Tradepedia: ang Avramis Swing Indicator at ang Avramis Risk Management Indicator.

Pumunta sa seminar sa alinman sa tatlong siyudad sa Thailand at matuto ng mga mahahalagang detalye na makakatulong sa iyo sa pag-trade nang mas may maraming kaalaman at kamalayan.