Sa Kauna-unahang Pagkakataon: XM Forex Seminar sa Vietnam

Nakapaskel Mayo 7, 2019 ng 1:01 pm GMT

Natutuwa kaming ipaalam sa aming mga partner at IBs na ngayong Hunyo bibisita ang XM sa Vietnam kasabay ng dalawang pang-edukasyonal na seminar, para makapagbigay ng propesyonal na gabay sa mga nag-i-invest online tungkol sa pag-trade ng forex.

Para matugunan ang pangangailangan at interes ng aming mga kliyente sa propesyonal na pagtuturo ng forex, magsasagawa kami ng seminar na pinamagatang Pagpapakilala sa Japanese Candlesticks at ang Avramis River sa Ho Chi Minh City ngayong Hunyo 22 at sa Hanoi sa Hunyo 29. Sa bawat lungsod, magkakaroon ng pinagsamang presentasyon ang tagapagturo ng forex sa XM na si Nguyen Ton Thai Hoang at ang Nagtatag ng Tradepedia at CEO na si Avramis Despotis, na may layuning ipakilala sa mga bisita ang tamang paggamit ng technical analysis tools.

Kaya naman ang mga nalalapit na seminar ay magandang oportunidad para imbitahin ng aming mga partner at IBs ang kanilang mga baguhan at beteranong kliyente, upang makinabang sila sa makabuluhang syllabus ng seminar, at magkaroon ng praktikal na kaalaman na makakatulong sa kanilang istratehiya sa pangmatagalang pag-i-invest online.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa mga nalalapit na seminar, mangyaring mag-click dito.