Libreng CFD Trading Seminar ng XM para sa Peruvian Traders

Nakapaskel Hulyo 19, 2018 ng 1:00 pm GMT

Ikinatutuwa naming ipaalam sa aming partners ang nalalapit na seminar na gaganapin sa Lima, Peru, sa September 15, tungkol sa mga pamamaraan sa CFD trading.

Ang seminar ay gaganapin sa Country Club Lima Hotel, kung saan iniimbitahan namin ang aming mga kasalukuyan ang prospektibong kliyente. Dito, magbibigay ng masinsinang pagpapaliwanag sa mga mahahalagang detalye kapag nag-iinvest ng financial instruments na itini-trade bilang Contracts for Difference.

Pamumunuan ng kilalang tagapagsalita ng Tradepedia na si Jarek Duque, ang seminar ay tutuon sa paggamit ng technical analysis sa CFD trading, partikular na kung paano makakatulong ang Moving Average Ribbon technique sa pagtukoy ng mga market na malalakas mag-trend at pagkilala ng trend reversals.

Para samahan ang mga teorya na ituturo, ipapakita ni Jarek Duque gamit ang mga tunay na halimbawa kung paano tumatakbo ang Moving Average Ribbon technique kapag nagti-trade ng magkakaibang financial assets sa MT5 platform, pati na kung paano ginagamit ang risk management para pababain ang risk.

Nasasabik na kaming salubungin lahat ng online investors na pupunta sa aming seminar sa Lima para mabigyan sila ng propesyonal na gabay na maaaring makapagpabuti sa kanilang pag-trade.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa XM seminar, mangyaring mag-click dito.