Pumunta sa Espesyal na XM Forex Seminar sa Bangkok

Nakapaskel Mayo 15, 2019 ng 12:57 pm GMT

Bilang pagtugon sa lumalaking pangangailangan ng mga nagti-trade ng forex na makatanggap ng propesyonal na edukasyon para makatulong sa kanilang karunungan sa pag-i-invest online, magsasagawa na naman ang XM ng panibagong eksklusibong seminar sa kabisera ng Thailand, ang Bangkok.

Ang seminar ay gaganapin sa The Athenee Hotel, a Luxury Collection Hotel ngayong Hulyo 6. Nasasabik na kaming salubungin ang aming mga partner at kanilang mga kliyente na interesadong makapunta sa seminar na magtatampok ng tatlong kilalang eksperto sa forex. Magbibigay sila ng mga presentasyon tungkol sa ilan sa mga pinakamahahalagang aspeto sa pagti-trade online.

Ang pinagsamang presentasyon nila Kriengkrai Jermpatjanya, Sompop Jittrakul at Feungtot Paitivetwanakit ay paniguradong magugustuhan ng mga nais matuto ng mga pamamaraan sa technical analysis at pagpapababa ng risk, pati na personal na makilala ang mga kinatawan ng aming kumpanya.

Para makilala kami at makapunta sa XM seminar sa Bangkok, mangyaring mag-click dito.