Pumunta sa Libreng XM Forex Seminar sa Lahore

Nakapaskel Mayo 9, 2019 ng 9:34 am GMT

Natutuwa kaming imbitahan ang aming mga partner at kanilang mga kliyente, baguhan man sila o nasa beteranong lebel, na pumunta sa aming seminar na gaganapin sa Lahore, Pakistan. May layunin itong makapagturo ng tamang paggamit ng technical analysis sa pag-trade ng forex.

Isasagawa sa Pearl Continental Hotel Lahore, ang aming seminar ay dedikado sa paglalahad ng praktikal na kaalaman tungkol sa paggamit ng mga pattern sa Japanese candlestick chart at mga technical indicator para tantiyahin ang direksyon ng trend, lakas ng trend at kalidad ng trend, upang makapagdesisyon nang mas mainam kapag nagti-trade, gamit ang mas tamang datos sa market.

Pakay ng tagapagsalita sa seminar na si Sajid Khan Ghori na ipaliwanag sa kanyang presentasyon ang pangkalahatang-ideya kung paano tumatakbo ang pandaigdigang forex market at ipakita lahat ng detalye gamit ang mga tunay na halimbawa. Ang mga pupunta ay magkakaroon din ng pagkakataong matuto ng technical indicators, gaya ng inaabangang Avramis River indicator, na inimbento ng Tradepedia para matulungan ang mga nag-i-invest na makilala ang mga market na nagri-range at nagti-trend, at matiyak nang mas tama ang lebel ng support-resistance at mga signal sa trend na may mataas na kalidad.

Magbasa pa ng karagdagang detalye dito, at isama na ang iyong mga kasalukuyan at bagong kliyente sa aming seminar sa Pakistan.