Maranasan ang Pagtuturo ng XM sa Thailand – Dahil ang Iyong mga Kliyente

Nakapaskel Disyembre 19, 2019 ng 12:51 pm GMT

Marami pang mga libreng forex seminar ang makakarating sa Thailand ngayong 2020, na may libreng rehistrasyon para sa lahat ng mga kasalukuyan at bago naming kliyente.

Natutuwa kaming ibalita sa aming mga partner na simula Pebrero 2020, magbubukas ng magkakaibang edukasyonal na seminar ang XM tungkol sa forex, para sa mga nag-i-invest online na handang matuto, maging mahusay at magtagumpay sa pag-i-invest online sa tulong ng propesyonal na pangkat ng mga tagapagturo ng forex.

Ang aming seminar na pinamagatang Paggamit ng Technical Indicators para Matukoy ang mga Oportunidad sa Pag-trade ay makakarating sa anim na lungsod sa Thailand: Bangkok, Korat, Surat Thani, Phitsanulok, Khon Kaen, Chiang Mai. Para sa lahat ng mga interesadong mapahusay ang kanilang kaalaman sa pag-trade, mapapakinabangan nang husto ang syllabus ng seminar dahil sa pagiging praktikal at kahusayan nito.

Mula sa mga pinakasimpleng aspeto gaya ng madaling paggamit ng technical analysis tools hanggang sa mas kumplikadong paksa gaya ng paggamit nito nang sabay-sabay, papalapitin pa ng seminar namin ang mga pupunta dito sa mundo ng forex.

Pumunta na sa aming seminar sa lungsod na iyong napili, matuto kasama namin at maging mahusay pa! Para sa karagdagang detalye, mangyaring mag-click dito.