Pumunta sa mga Forex Seminar ng XM sa Casablanca at Agadir

Nakapaskel Agosto 7, 2019 ng 10:45 am GMT

Ngayong Setyembre, babalik ang XM sa Morocco kasama ng Senior Market Strategist ng Tradepedia na si Habib Akiki para sa panibagong forex seminar tungkol sa paggamit ng technical indicators, na idinisenyo para sa mga interesadong matuto ng bagong pamamaraan sa pag-i-invest.

Sa nalalapit na seminar na gaganapin sa Casablanca sa Setyembre 21 at Agadir sa Setyembre 28, gusto naming imbitahan ang aming affiliate partners na dalhin ang mga bago at potensyal nilang kliyente upang matuto sila ng mahahalagang kaalaman mula sa ekspertong si Habib Akiki.

Tatalakayin ng syllabus ng seminar ang praktikal na impormasyon sa kung paano isasama ang technical indicators sa kasanayan sa pagti-trade ng forex, kabilang na ang mga detalye sa tamang pagbasa ng candlestick patterns para matukoy ang mga instrument na malakas at mahinang mag-trend, at ipapakita din kung paano madaling makita ang lebel ng support-resistance.

Sa bawat lungsod, libre ang seminar para sa mga kliyente ng XM. Bukod pa dito, makakapagbigay ito ng impormasyon tungkol sa ilan sa mga kailangang pamamaraan para sa mas mahusay na resulta kapag nagti-trade.

Pumunta na sa seminar sa lungsod na iyong napili at kilalanin ang XM sa Casablanca o Agadir ngayong Setyembre. Para sa karagdagang detalye, mag-click dito.