Pumunta sa mga Libreng Seminar sa Pag-trade ng Forex sa Latin America

Nakapaskel Disyembre 27, 2018 ng 9:45 am GMT

Natutuwa kaming ianunsyo ang simula ng mga nalalapit na panibagong serye ng seminar tungkol sa pag-trade ng forex sa 2019 sa Latin America, na gaganapin sa Bogotá sa Pebrero 9, at pagkatapos sa Lima sa Pebrero 16, at marami pang ibang destinasyon sa Latin America.

Ang nalalapit na mga pang-edukasyonal na seminar ay isa na namang mahusay na oportunidad para sa aming mga partner na ipaalam sa kanilang mga kasalukuyan at bagong kliyente ang mga seminar ng XM na idinisenyo para matulungan ang mga nagti-trade ng forex na pabutihin ang kanilang kaalaman gamit ang mga makabagong kaalaman.

Sa bawat lokasyon, ang tagapagturo ng Tradepedia na si Jarek Duque ang mamumuno sa seminar: sa Bogotá tatalakayin niya ang paksa ng Ichimoku Kinko Hyo – Pangkalahatang Indicator para sa Forex, habang sa Lima tutulungan niya ang mga bisita na maging pamilyar sa Mga Indicator na Avramis Swing at Pag-reverse ng Trend.

Nasasabik na si Jarek Duque, kasama ang mga kinatawan ng aming kumpanya, na salubungin ang mga bisita na handang matuto ng mahalagang impormasyon tungkol sa mga magagamit na pamamaraan sa pag-trade ng forex, kabilang na ang pamamahala ng risk.

Magbasa pa tungkol sa mga nalalapit na seminar at kilalanin kami sa Colombia at Peru kasama ng iyong mga kliyente.