Kilalanin ang XM sa Cairo Investment Expo ngayong October

Nakapaskel Setyembre 20, 2018 ng 7:24 am GMT

Ikinatutuwa naming ipaalam sa aming mga partner na lalahok ang XM sa Cairo Investment Expo sa Egypt ngayong October 22-23, 2018, kung saan nais naming makipag-ugnayang muli sa kanila, at makilala sa personal ang kanilang mga kasalukuyan at bagong kliyente.

Dadalo ang XM sa prestihiyosong Cairo Investment Expo bilang Diamond Sponsor sa dalawang araw na event, na may layuning pagsama-samahin ang kumpanya ng forex at commodity exchange mula sa Egypt at iba pang mga bansa, kasabay ng mga investors na personal na pupunta para makilala ang mga online investment providers at malaman ang kanilang mga pinakabagong produkto at serbisyo.

Nasasabik nang salubungin ng mga kinatawan ng aming kumpanya ang mga interesado sa mga maibibigay ng XM sa retail traders, at nais na din nilang makilala ang mga kasalukuyan at prospektibong kliyente sa XM exhibition booth blg. A12-13-14-15. Higit pa, bago isagawa ang pangpinansyal na expo, magbibigay kami ng libreng forex trading seminar para sa lahat ng mga kliyente sa Hilton Ramses Hotel sa October 20, kung saan tatalakayin ng propesyonal na tagapagsalita na si Habib Akiki ang paksang Ang Avramis River at Reversal Patterns.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa seminar at upang makapag-reserba na kaagad ng puwesto, mangyaring mag-click dito.

Para sa detalyadong paglalarawan ng Cairo Investment Expo mag-click dito at kilalanin sa personal ang XM sa October 22-23.