Kilalanin ang XM sa ITForum Rimini 2019

Nakapaskel Mayo 13, 2019 ng 9:08 am GMT

Sa Hunyo 12-13, pupunta ang XM sa ITForum Rimini 2019 sa Italya, kaya naman gusto naming imbitahan ang aming mga partner na dalhin ang kanilang mga kasalukuyan at bagong kliyente para kilalanin kami sa personal.

Tulad ng mga nakaraang taon, ang nalalapit na expo ay mapapakinabangan ng mga nag-i-invest na interesadong makilala ang mga exhibitor at makapunta sa mga workshop o pinansyal na pagpupulong. Isa din itong mahusay na oportunidad para makilala sa personal ang mga kinatawan ng XM.

Ang XM, na dadalo sa ITForum Rimini sa ika-apat na pagkakataon mula 2013, ay isa sa pinakamalalaking pinansyal na kumpanya sa pagti-trade online. Mayroon itong mga kliyente mula sa iba’t-ibang panig ng mundo, at nagseserbisyo na sa mga Italyanong kliyente sa loob ng halos sampung taon nang may matinding dedikasyon.

Kaya naman matutuwa kaming makita ulit ang aming mga partner at kliyente dito sa dalawang araw na expo, upang personal na ipaliwanag sa mga bagong kliyente ang mga serbisyo ng kumpanya at mapag-usapan nang husto ang kanilang mga pangangailangan sa pag-invest.

Kilalanin kami sa opisyal na XM booth blg. 37-40 sa ITForum Rimini 2019. Para magbasa pa ng karagdagang detalye, mangyaring mag-click dito.