Kilalanin ang XM sa Personal sa The Forex Day sa Madrid

Nakapaskel Mayo 24, 2018 ng 6:00 am GMT

Ikinagagalak naming ipaalam sa aming mga partner at IBs na dadalo ang XM sa The Forex Day expo sa Madrid, Spain, sa June 23, 2018.

Kilala sa pangpinansyal na industriya bilang isa sa mga pinakamahahalagang pangpinansyal na expo sa Europa, ang The Forex Day ay gaganapin sa LASEDE sa Madrid, kung saan ipapakita ng XM ang mga serbisyo at produkto nito sa lahat ng mga dadalo.

Nasa ika-anim na taon na mula nagsimula ito, ang The Forex Day ay inorganisa na naman para pagsama-samahin ang mga exhibitors at mga bisita na nais pang matuto ng mga pinakabagong kaganapan sa pangpinansyal na industriya at makilala sa personal ang mga kinatawan ng mga pangpinansyal na institusyon at bangko.

Ang nalalapit na prestihiyosong event ay isang mahusay na oportunidad para sa aming mga partner at IBs na ipaalam sa kanilang mga kliyente na nais kilalanin ang XM at makatanggap ng impormasyon tungkol sa aming mga serbisyo, at para ipakilala ang kanilang mga kasalukuyang kliyente na nais makipag-ugnayan sa amin.

Magbasa pa tungkol sa The Forex Day at kilalanin kami sa opisyal na XM exhibiting booth blg. F3+F4.