Kilalanin ang XM sa The Forex Day 2019 sa Espanya

Nakapaskel Mayo 8, 2019 ng 7:59 am GMT

Sa Hunyo 8, babalik ang XM sa Espanya para makapunta sa pinakamalaking expo nito na may kinalaman sa forex, ang The Forex Day, na gaganapin sa Madrid. Ito ay isang taunang internasyonal na expo na nagbibigay-daan sa iisang lugar para mapag-ugnay ang mga kumpanyang nagbibigay ng pinansyal na serbisyo at mga indibidwal na nagti-trade.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na pupunta ang XM sa The Forex Day, na sasalubong sa mga exhibitor at bisita sa LASEDE, Colegio de Arquitectos de Madrid.

Sa nalalapit na expo, gusto naming imbitahan ang aming mga partner, pati na ang kanilang mga kasalukuyan at inaasahang kliyente na kilalanin sa personal ang mga kinatawan ng aming kumpanya sa opisyal na booth blg. FX3-FX4. Bukod sa pagiging magandang oportunidad para makipag-ugnayan at mapag-usapan ang kanilang mga pangangailangan sa pag-invest, lahat ng mga bibisita sa XM booth ay magkakaroon din ng pagkakataong makapunta sa apat na maiikling seminar na pamumunuan ng technical analyst na si Rubén López García sa pagitan ng 10:30 – 17:45. Ang apat na magkakaibang paksa ng seminar ay magtataglay ng maraming praktikal na aspeto sa pag-trade ng forex, gaya ng mga istratehiya sa pag-trade, technical analysis at mga pamamaraan sa pagpapababa ng risk.

Mag-click dito para sa karagdagang detalye tungkol sa nalalapit na expo at kilalanin kami sa Madrid sa Hunyo 8.