Kilalanin ang XM sa Trade Fair na FPG MoneyExpo sa Czech Republic

Nakapaskel Marso 12, 2019 ng 1:01 pm GMT

Natutuwa kaming ipaalam sa aming mga partner na sa Abril 12, dadalo ang XM sa taunang trade fair na FPG MoneyExpo sa Prague, Czech Republic.

Sa nalalapit na expo, gusto naming imbitahan ang aming mga partner na gustong makipag-ugnayan sa personal, pati na ang kanilang mga kasalukuyan at prospektibong kliyente. Kilalanin kami dito sa pinansyal na expo kung saan ipapakita ng XM ang mga serbisyo nito sa mga bisita.

Ang FPG MoneyExpo ay hindi lamang isang magandang oportunidad para pagsamahin ang mga kumpanyang nagbibigay ng pinansyal na serbisyo at mga indibidwal na investor, kundi makakapagbigay din ito ng makabuluhang programa tulad ng mga workshop sa pag-trade, mga pagtuturo at pagpupulong. Kaya naman ito ang pinaka-angkop na lugar para maging maalam ang mga trader sa mga pinakabagong pangyayari sa pinansyal na industriya.

Nasasabik na ang mga kinatawan ng aming kumpanya na makilala ang aming mga partner at kanilang mga kliyente sa XM booth blg. 4 para pag-usapan ang kanilang mga pangangailangan sa pag-invest at makahanap ng mga solusyon na angkop sa kanilang layunin sa pag-invest sa XM.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa FPG MoneyExpo, mangyaring mag-click dito.