Kilalanin ang XM sa Invest Expo sa Stuttgart, Germany

Nakapaskel Marso 6, 2019 ng 8:49 am GMT

Natutuwa kaming ipaalam sa aming mga partner at kanilang mga kliyente na bibisita ulit ang XM sa Germany ngayong Abril 5 at 6 para dumalo sa pinakamalaking kaganapan sa Germany na may kinalaman sa pananalapi at pagbabangko, ang Invest Expo at Kongreso sa Pananalapi at Pamumuhunan.

Isang malaking karangalan na makipag-ugnayang muli sa maraming mga partner at kliyente sa opisyal na XM booth blg. 4E50, kung saan nasasabik nang salubungin ng mga kinatawan ng aming kumpanya ang mga bisita. Gayundin, ipapakilala namin dito ang pinakabago naming mga produkto, pati na ang hanay ng mga serbisyo na idinisenyo para tugunan ang pangangailangan ng mga retail na trader na nagsasalita ng Aleman.

Ang inaabangang Invest ay gaganapin sa Messepiazza 1, kung saan magbibigay ito ng makabuluhang programa sa mga mahilig at interesado sa pinansyal na industriya. Higit pa, isa itong mahusay na oportunidad para sa mga gustong makipag-ugnayang muli o makilala nang personal ang XM.

Magbasa pa tungkol sa Invest at kilalanin kami nang personal sa Stuttgart.