Kilalanin ang XM sa Salon de l’Analyse Technique sa Paris ngayong Abril

Nakapaskel Marso 5, 2019 ng 10:31 am GMT

Sa Abril 5 makikibahagi ang XM sa isa sa mga pinakatanyag na pinansyal na expo sa Europa, ang Salon de l’Analyse Technique, na isinasagawa kada taon para pagsamahin ang mga kumpanya at indibidwal na bisita sa isang araw na kaganapan.

Isa ang XM sa pinakamalalaking tagapagbigay ng pinansyal na serbisyo na magpapakita ng buong hanay ng mga produkto nito at personal na sasalubong sa mga indibidwal na trader. Matutuwa kaming makipag-ugnayang muli sa aming mga partner at kanilang mga kliyente, para pag-usapan ang mga pangangailangan sa negosyo at makahanap ng mga angkop na solusyon para matugunan ang kanilang layunin sa pag-invest.

Dahil ang Salon de l’Analyse Technique ay magbibigay ng pagkakataon para direktang makipagsalamuha ang mga nag-i-invest online at mga pinansyal na kumpanya, isang oportunidad ang kaganapang ito para matutunan ng mga bisita ang magkakaibang produkto ng XM, lalo na para sa mga baguhan pa lang sa XM. Para sagutin ang anumang katanungan at saloobin tungkol sa mga serbisyo na ibinibigay ng XM sa mga baguhan at beteranong trader, nasasabik na ang aming mga kinatawan na makilala ang mga bisita sa XM booth blg. C2.

Para samahan ang XM sa harap-harapang pagkikita at para makita kami sa Paris ngayong Abril 5, 2019, mag-click dito para malaman kung paano makapunta sa Salon de l’Analyse Technique.