Mga Nalalapit pang Forex Seminar sa Pilipinas

Nakapaskel Mayo 22, 2019 ng 9:38 am GMT

Natutuwa kaming ipaalam sa aming mga partner at tagapagdala ng negosyo na ang mga forex trading seminar na sinimulan ng XM noong unang bahagi nitong taon ay magpapatuloy pa sa magkakaibang lokasyon sa buong Pilipinas, kung saan ang dalawang susunod na destinasyon nito ay ang Manila sa Hulyo 13 at Cagayan de Oro sa Hulyo 27.

Imbitahan na ang iyong mga kasalukuyan at potensyal na kliyente sa mga seminar na pamumunuan ng tagapagturo ng forex na si Jonathan Lou Reyes. Tatalakayin niya sa mga bisita ang mga mahahalagang detalye na may kinalaman sa paggamit ng Moving Average Ribbon indicator kapag nagti-trade ng forex.

Sa tulong ng mga praktikal na halimbawa, magkakaroon ng oportunidad ang mga pupunta na matuto kung paano magkalkula ng Moving Average Ribbon, paano bigyang-kahulugan ang mga signal nito, at paano ito gamitin para makita ang kabuuang lawak ng market ayon sa pangmatagalan, katamtaman at panandaliang trends. Higit pa, ipapakita din ang mga mahuhusay na pamamaraan sa pagpapababa ng risk gamit ang mga tunay na halimbawa, para matulungan ang mga nagti-trade kung paano hawakan ang pera kapag sila ay nag-i-invest.

Magbasa pa ng karagdagang detalye tungkol sa mga nalalapit na seminar sa Manila at Cagayan de Oro dito.