Bagong Serye ng mga Forex Seminar Sisimulan sa Thailand sa 2019

Nakapaskel Enero 3, 2019 ng 1:23 pm GMT

Marahil matutuwang malaman ng aming mga partner at IB na ang taong 2019 ay isa na namang taon na dedikado sa regular na mga seminar sa buong Thailand, at ang unang mga destinasyon ay gaganapin sa Bangkok at Chiang Mai sa Pebrero.

Ang tagapagturo galing Thailand na si Sompop Jittrakul, na sasamahan ng mga kinatawan ng aming kumpanya, ay nasasabik na para makilala ang mga pupunta sa seminar sa Bangkok sa Pebrero 2 at pagkatapos sa Chiang Mai sa Pebrero 16. Ang paksa na tatalakayin ni Sompop Jittrakul ay mapapakinabangan ng aming mga partner at kanilang mga kliyente na gustong magkaroon ng mas malalim na pagkakaintindi kung bakit importante ang trend reversals at breakouts, at anu-anong mga istratehiya ang maaring gamitin para matukoy ang kalidad ng mga trend kapag nagti-trade ng forex o iba pang pinansyal na asset.

Ang mga kasalukuyan at bagong kliyente ng XM na pupunta sa alinman sa dalawang lokasyon, ay hindi lamang makakatanggap ng detalyadong impormasyon tungkol sa magkakaibang pamamaraan sa swing trading, ngunit magkakaroon din sila ng pagkakataong makita kung paano tumatakbo ang dalawang kilalang trading tool ng Tradepedia (ang Avramis Swing Advanced Indicator at ang Avramis Risk Management Indicator).

Mag-click dito para magbasa pa ng ibang detalye at kilalanin ang XM sa Bangkok o Chiang Mai.