Nalalapit sa Kuala Lumpur: Pinansyal na Panayam ng XM Kasama ng mga Eksperto

Nakapaskel Hunyo 5, 2019 ng 8:51 am GMT

Sa Hulyo 27, may malaking pagpupulong na gaganapin sa Kuala Lumpur, kung saan gusto na naming makilala ang mga kasalukuyan at bagong kliyente na interesadong pumunta sa live na panayam katuwang ng tatlong eksperto sa pananalapi.

Ang mga tagapagsalita ay walang iba kundi ang mga propesyonal na nagtuturo ng forex at matagal nang nag-i-invest online na sina Mohd Helmi Izani at Zulle Razak, pati na ang espesyal na bisita na si Peter McGuire, ang CEO ng XM Australia na may mahigit sa 20 taong karanasan sa industriya ng pinansyal na serbisyo.

Dalhin na ang iyong mga kliyente para makilala nila sa personal ang mga eksperto sa Sheraton Imperial Hotel sa Kuala Lumpur. Isa itong kakaibang karanasan kung saan makakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa kasalukuyang estado ng pananalapi sa buong mundo at mga oportunidad sa pag-i-invest na mabibigay nito sa mga indibidwal na nagti-trade.

Mapapakinabangan ang libreng talakayan dahil kabilang sa mga paksang pag-uusapan ay ang pagsusuri sa macroeconomics, pagsusuri sa mga trend sa market, praktikal na gabay sa kung anong tool sa technical at fundamental analysis ang gagamitin kapag nagti-trade ng magkakaibang pinansyal na instrument, pati na ang pagsubaybay sa performance at istratehiya sa pamamahala ng risk.

Magbasa pa tungkol sa nalalapit na panayam at kilalanin kami sa Kuala Lumpur.