Nalalapit sa Mexico: Libreng mga Seminar sa Forex sa 2019

Nakapaskel Disyembre 13, 2018 ng 5:24 pm GMT

Natutuwa kaming ipaalam sa aming mga partner at IB sa Latin America na magsisimula ang 2019 kasabay ng mga intensibong seminar sa forex sa Mexico, na gaganapin sa magkakaibang lungsod.

Sa buwan ng Enero at Pebrero, isasagawa ng XM ang seminar na pinamagatang Paano Mag-trade Gamit ang Ichimoku Kinko Hyo sa 5 lungsod, at nasasabik na kaming salubungin lahat ng mga nag-iinvest online na naniniwala din na mahalaga ang edukasyon sa forex.

Ang propesyonal na tagapagturo na si Karl Praz, na may mahusay na reputasyon bilang nag-iinvest at nagtuturo ng forex, ay magbibigay ng presentasyon sa bawat lokasyon tungkol sa kahalagahan ng technical analysis sa swing trading, kabilang na ang praktikal na payo sa kung paano naiiba ang Ichimoku pagdating sa pagtukoy ng paggalaw ng presyo para malaman ang momentum ng market, pati na ang lugar ng support at resistance sa hinaharap.

Sa nalalapit na seminar, nasasabik na ang mga kinatawan ng aming kumpanya na bumisita sa bawat lokasyon at salubungin ka at ang iyong mga kliyente na patuloy na gustong matuto katuwang ng XM.

Mangyaring mag-click dito para magbasa pa ng karagdagang detalye at ipaalam sa iyong mga kliyente ang nalalapit na mga seminar sa Mexico.