Nalalapit na XM Trading Seminar sa Bangkok

Nakapaskel Hulyo 30, 2019 ng 1:05 pm GMT

Iniimbitahan namin ang mga kasalukuyan at bago naming kliyente, pati na ang aming mga partner at tagapagdala ng negosyo, sa libreng forex seminar na dedikado sa pagsasagawa ng indibidwal na sistema sa pag-trade na mapapakinabangan sa pangmatagalan.

Ang aming seminar ay gaganapin sa Marriott Marquis Queen’s Park Hotel, kung saan nasasabik na ang mga kinatawan ng aming kumpanya at tagapagsalita sa seminar na si Feungtot Paitivetwanakit na makilala ang mga nag-i-invest online na pursigidong ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral ng forex katuwang ng XM.

Lahat ng mga pupunta sa seminar ay hindi lamang magkakaroon ng oportunidad na matuto ng praktikal na aspeto sa pag-i-invest online, ngunit makakatanggap din sila ng detalyadong gabay mula kay Feungtot Paitivetwanakit tungkol sa paggamit ng mga tiyak na pamamaraan ayon sa kani-kanilang layunin sa pag-trade.

Pumunta na sa aming seminar upang matuto ng mahahalagang impormasyon na galing mismo sa mga propesyonal at makilala kami sa personal. Para sa karagdagang detalye, mangyaring mag-click dito.