Sisimulan ng XM sa Pilipinas ang mga Forex Seminar sa 2019

Nakapaskel Disyembre 13, 2018 ng 10:31 am GMT

Sa taong 2019, magiging dedikado pa din ang XM sa pagbibigay ng libreng propesyonal na edukasyon para sa mga Pilipinong nag-iinvest online. Ang bagong taon ay magsisimula kasabay ng mga intensibong seminar sa apat na magkakaibang lokasyon, na susundan ng iba pang mga destinasyon sa buong taon.

Natutuwa kaming imbitahan ang aming mga partner at kanilang mga kliyente, baguhan man sila o batikan, na pumunta sa aming mga seminar na pinamagatang Mga Pamamaraan sa Avramis Forex Swing Trading, na bibisita sa Manila sa Pebrero 23, at susundan sa Cagayan de Oro, Cebu at Baguio.

Para sa mga gustong pabutihin ang kanilang kaalaman sa pag-trade gamit ang propesyonal na edukasyon at maabot ang mga layunin sa pag-invest, ipapakita ng tagapagturo na si Jonathan Lou Reyes ang paggamit ng tools sa technical analysis na dapat gamitin sa swing trading. Kasabay ng Fibonacci tools at mga Avramis indicator na nilikha ng Tradepedia, ipapaliwanag din nang husto ang mga mahuhusay na istratehiya sa pamamahala ng risk, na makakatulong para mabawasan ang pagkalugi sa tulong ng mas mataas na kamalayan at mas mahusay na resulta.

Mag-click dito para sa karagdagang detalye. Dalhin na ang iyong mga kasalukuyan at bagong kliyente para personal kaming makilala sa seminar, sa petsa na napili mo.