Forex at CFD Trading Seminar ng XM sa Kuala Lumpur

Nakapaskel Agosto 2, 2018 ng 8:44 am GMT

Ikinatutuwa naming ipaalam sa aming mga partner at kanilang mga kliyente na babalik na naman ang XM sa Kuala Lumpur, Malaysia, para makapagbigay ng edukasyon sa lahat ng mga nais pahusayin ang kanilang kaalaman sa pag-trade sa tulong ng mataas na lebel ng edukasyon.

Magsasagawa ang XM ng forex at CFD trading seminar sa Sheraton Imperial Kuala Lumpur Hotel sa September 22, 2018, kung saan nais nang salubungin ng mga kinatawan ng aming kumpanya ang mga baguhan at batikang online investors na interesadong matuto ng mga mapapakinabangang impormasyon tungkol sa swing trading.

Ang kilalang tagapagsalita na si Avramis Despotis, na kilala sa Malaysia para sa mga seminar na pinamunuan niya sa iba’t-ibang parte ng bansa, ay magbibigay ng makabuluhang presentasyon tungkol sa mga pamamaraan sa swing trading.

Lahat ng mga nagdesisyong pumunta sa event ay magkakaroon ng oportunidad na matuto ng mas malalim na kaalaman tungkol sa mga pinakamahahalagang aspeto ng online investing, kabilang na ang forex at iba pang mga instrument na itini-trade sa anyo ng CFDs, at magkaroon ng mas malalim na kamalayan sa paggamit ng mga pamamaraan sa technical analysis.

Para magbasa pa tungkol sa nalalapit na seminar at makapag-rehistro na agad, mangyaring mag-click dito.