Nalalapit na XM Forex Seminar sa Kuala Lumpur

Nakapaskel Mayo 16, 2018 ng 1:03 pm GMT

Ikinagagalak naming ipaalam sa aming mga partner na babalik ang XM sa Kuala Lumpur, Malaysia, kasabay ng panibagong seminar sa July 14.

Ang seminar ay pamumunuan ng propesyonal na instruktor na si Zulle Razak tungkol sa paksang pinamagatang Paano Gumawa ng Sariling Sistema sa Pag-trade, na magagamit ng mga online investors na nais matuto ng mga pinaka-epektibong istratehiya sa pag-trade ng forex.

Para sa aming mga partner isa itong magandang oporunidad para ipaalam sa kanilang mga kliyente ang nalalapit na seminar, na idinisenyo para mabigyan sila ng madaling gabay sa kung paano mag-invest sa forex habang pinapababa ang risk, at kung paano magsagawa ng indibidwal na sistema sa pag-trade base ng kanilang mga layunin.

Ang seminar ay tatalakay sa mga pinakamahahalagang parte ng pag-trade at mga pangunahing pamantayan para maging matagumpay sa pag-trade ng forex sa pangmatagalan.

Magbasa pa tungkol sa nalalapit na seminar at kilalanin kami sa Kuala Lumpur sa July 14.