Magsisimula sa Malaysia ang mga 2019 XM Seminar tungkol sa Forex

Nakapaskel Enero 16, 2019 ng 2:41 pm GMT

Natutuwa kaming ianunsyo ang mga bagong seminar ng XM, na sisimulan sa Malaysia sa 2019 at susundan sa iba pang mga lokasyon, para makapagbigay ng libreng edukasyon tungkol sa pag-trade ng forex at mga paksa tungkol sa mga istratehiya sa swing trading.

Ang unang tatlong lokasyon ng seminar (Penang, Melaka, Kedah) ay susundan pa, kung saan tatalakayin ng kilalang tagapagturo sa forex at ekspertong tagapagsalita na si Mohd Helmi Izani ang mga praktikal na kaalaman sa paggamit ng technical analysis sa swing trading.

Sa aming mga partner, mahusay itong pagkakataon para maimbitahan ang mga kasalukuyan at bagong kliyente ng XM na pumunta sa seminar, sa lungsod at petsa na kanilang napili. Dito, makakatanggap sila ng propesyonal na gabay sa kung paano mag-trade para sa mas mahusay na resulta.

Lahat ng pupunta sa alinmang seminar ay matututo ng praktikal na impormasyon sa pangkalahatang market ng forex, partikular na ang paggamit ng tools sa technical analysis. Higit sa lahat, malalaman nila kung paano gamitin ang Avramis swing trading indicators na nilikha ng Tradepedia para matulungan silang malaman ang lakas ng trend, planuhin ang pagpasok at paglabas sa market, at pamahalaan ang risk gamit ang stop-loss at take-profit orders.

Nasasabik na kaming makilala ang aming mga partner at kanilang kliyente na gustong magkaroon ng mas malalim na kaalaman tungkol sa pag-trade. Mangyaring mag-click dito para sa karagdagang detalye tungkol sa seminar at mga lokasyon nito, at para makapag-rehistro na kaagad.