Mga Forex Seminar ng XM para sa Iyong mga Kliyente sa Mexico

Nakapaskel Marso 4, 2019 ng 2:51 pm GMT

Natutuwa kaming ibalita na magpapatuloy pa ang serye ng aming mga forex seminar, at paparating na ito sa magkakaibang siyudad sa Mexico para makapagbigay ng oportunidad sa marami pang mga trader sa Latin America na matuto mula sa mga pinakamagagaling.

Sa pagitan ng Mayo 18 at Hunyo 9, pupunta ang kilalang tagapagturo ng forex na si Karl Praz, katuwang ng mga empleyado ng XM, sa lungsod ng Hermosillo, Oaxaca, Mexico City at Mérida, para makapagbigay sa mga trader ng pagkakataong makapunta nang libre sa aming mga seminar.

Sa mga nalalapit na seminar, gusto naming makilala ang marami sa aming mga partner at kanilang mga kliyente na interesadong matuto ng mahahalagang impormasyon na maaring makatulong nang malaki sa pagpapahusay ng kanilang pag-trade.

Para sa lahat ng mga pupunta sa alinmang lokasyon, ang presentasyon ni Karl Praz ay makakapagbigay ng tunay na karanasan at kinakailangang gabay sa mas mainam na paggamit ng mga pamamaraan sa technical analysis.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa mga paksa ng seminar at para makapag-rehistro na sa lokasyon at petsa na iyong napili, mangyaring mag-click dito.