XM Seminar Ngayong October sa Kuching at Kuantan

Nakapaskel Agosto 28, 2018 ng 8:06 am GMT

Ikinagagalak naming ianunsyo ang aming nalalapit na forex trading seminar sa dalawang siyudad sa Malaysia ngayong October: ang Kuching at Kuantan.

Gaganapin sa Kuching sa October 13 at sa Kuantan naman sa October 27, ang seminar ay maraming matuturo sa lahat ng mga nais makapunta sa presentasyon ng kilalang instruktor na si Zulle Razak.

Para sa aming mga partner isang magandang oportunidad para ipaalam sa kanilang mga kasalukuyan at prospektibong kliyente itong libreng pang-edukasyonal na seminar na maraming maibabahagi na mahahalagang impormasyon tungkol sa mga istratehiya at teknik sa online investing.

Idinisenyo para tugunan ang mga pangangailangan ng parehong baguhan at batikang trader, ang seminar ay magbibigay ng serye ng mga detalye na mahalaga para malaman kung paano paunlarin ang indibidwal na istratehiya sa pag-trade, kung paano gamitin ang technical analysis tools at pagsamahin ito nang mas mahusay kapag sinusuri ang price action, at para magkaroon ng mahusay na pagkakaintindi sa pamamahala ng pera at ang papel ng trading psychology sa online investing.

Magbasa pa tungkol sa paksa ng seminar at mag-reserba na ng puwesto para sa nalalapit na seminar sa Kuching at Kuantan.