Nalalapit na Libreng XM Seminar sa Davao at Iloilo

Nakapaskel Agosto 7, 2018 ng 8:41 am GMT

Ngayong September babalik ang XM sa Davao at Iloilo sa Pilipinas para magbigay ng libreng forex trading seminar sa mga Pilipinong online investors na nais matuto ng bagong kaalaman tungkol sa paggamit ng technical analysis kapag nagti-trade ng forex o magkakaibang financial instruments.

Sa mga nalalapit na seminar, iniimbitahan namin ang aming mga partner at IBs na ipaalam sa kanilang mga kasalukuyan o propektibong kliyente ang presentasyon ng propesyonal na tagapagsalita na si Jonathan Lou Reyes tungkol sa paksang pinamagatang Ang Avramis River Indicator at Reversal Candles.

Kasabay ng mga technical analysis tools na ginagamit para mabigyang-kahulugan ang mga mahahalagang impormasyon sa market, ang mga bisita ay magkakaroon din ng pagkakataong maging pamilyar sa trading tool na inimbento ng Tradepedia, ang Avramis River Indicator, na siyang makakatulong sa traders para malaman ang mga trends na may mataas na kalidad at mag-execute ng buy-sell signals habang pinapababa ang risk.

Mag-click dito para magbasa pa tungkol sa seminar.