Nalalapit sa Mexico: Panibagong mga Forex Seminar ngayong October

Nakapaskel Agosto 10, 2018 ng 10:50 am GMT

Natutuwa kaming imbitahan ang aming mga partner at kanilang mga kliyente sa mga intensibong seminar na magsisimula sa Mexico ngayong October. Tutuon ang mga seminar na ito sa paggamit ng Japanese candlesticks at indicators kapag nagti-trade ng forex.

Sa pagitan ng October 6-27 2018, magsasagawa ang XM ng seminar na pinamagatang Candlestick Reversals at Avramis River Indicator sa Mérida, Mexico City, Tijuana at Guadalajara, kung saan pamumunuan ng propesyonal na tagapagsalita na si Karl Praz ang isang praktikal na presentasyon tungkol sa paggamit ng technical analysis sa online investing.

Sa bawat siyudad, layunin ng seminar na mabigyan ang mga baguhan o batikang online investors ng praktikal na impormasyon tungkol sa mga pinakamadadaling pamamaraan sa pagtukoy ng mga malalakas at mahihinang mag-trend na financial instruments, malaman nang mabilis ang support-resistance levels, magamit ang Japanese candlesticks para matukoy ang mga mahahalagang turning points, at higit sa lahat, maging pamilyar sa Avramis River Indicator para makita ang mga instrument na malakas mag-trend.

Mag-click dito para sa karagdagang detalye at para makapag-rehistro sa alinmang seminar ng XM sa Mexico na iyong napili.