Iniimbitahan ng XM ang mga Traders sa Eksklusibong Seminar sa Bangkok

Nakapaskel Hulyo 17, 2018 ng 7:16 am GMT

Ikinatutuwa naming imbitahan ang aming mga partner, IBs, at kanilang mga kliyente sa libreng XM trading seminar na gaganapin sa kapital ng Thailand, ang Bangkok, sa September 15.

Gaganapin sa Swissotel Le Concorde Bangkok, ang pang-edukasyonal na event ay magkakaroon ng dalawang presentasyon mula sa propesyonal na tagapagsalita na sina Kriengkrai Jermpatjanya at Feungtot Pativetwanakit, na siyang magtuturo sa mga bisita ng paggamit ng breakout strategy at mga istratehiya sa short-term na pag-trade.

Para sa lahat ng mga nais gumamit ng mga epektibong pamamaraan sa kanilang indibidwal na istratehiya sa day trading, maraming mabuting maidudulot ang nalalapit na seminar. Maliban sa pagpapakilala ng global markets at mga pangunahing konsepto sa technical analysis, magkakaroon ng oportunidad ang mga bisita na makita kung paano ginagamit ang mga pamamaraan ng ipapaliwanag nila Kriengkrai Jermpatjanya at Feungtot Pativetwanakit. Tulad ng dati, may ilalaang oras sa pagtuturo ng risk management at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng makatotohanang layunin sa pag-invest para sa anumang instrument na iti-trade.

Magbasa pa ng karagdagang detalye tungkol sa nalalapit na seminar sa Bangkok, at i-reserba na ang iyong puwesto sa pamamagitan ng pag-click dito.