Nalalapit: Bagong XM Forex Trading Seminar sa Hilagang Africa

Nakapaskel Setyembre 17, 2019 ng 9:21 am GMT

Natutuwa kaming imbitahan ang aming mga partner at kanilang mga kasalukuyan at potensyal na kliyente sa isa na namang libreng forex seminar ng XM, na gaganapin naman ngayon sa bagong lokasyon sa Hilagang Africa: ang Tunisia.

Nakatakdang ganapin sa Golden Tulip El Mechtel Hotel sa Tunis ngayong Oktubre 26 at pamumunuan ng Tagapagturo ng Technical Analysis ng Tradepedia LLC na si Nizar Chaibi, libre ang seminar para sa mga kliyente ng XM na gustong magkaroon ng mas malalim na kaalaman sa kung paano magagamit nang mas tama ang technical analysis kapag nag-i-invest sa mga currency o iba pang pinansyal na instrument.

Ang mga bisita namin ay magkakaroon ng pagkakataong matutunan ang mga praktikal na impormasyon tungkol sa mga indicator sa pagsunod sa trend at candlestick reversal patterns, na parehong makakatulong para masuri nang mas mabuti ang datos sa market at makapagsagawa ng desisyon nang may mas mahusay na resulta at mababang risk.

Dahil bibigyang-diin ng seminar ang praktikal na aspeto sa pag-trade online, ang mga bisita namin ay hindi lamang matututo ng importanteng impormasyon tungkol sa mahalagang papel ng technical analysis sa forex, ngunit makakatanggap din sila ng malinaw na gabay sa kung paano ito magagamit sa kanilang sariling istratehiya, na naaayon sa kanilang indibidwal na layunin sa pag-i-invest.

Para makapunta sa seminar sa Tunis, matuto ng mga pamamaraan sa pag-trade at makilala ang XM sa personal, mag-click dito.