Magsasagawa pa ang XM ng mga Forex Seminar sa Latin America

Nakapaskel Agosto 30, 2018 ng 8:34 am GMT

Ikinatutuwa naming ianunsyo na magsasagawa ang XM ng libreng forex seminar sa mga traders sa Latin America na nais pabutihin ang kanilang kaalaman sa online investing sa tulong ng mga propesyonal. Bibisita kami sa Costa Rica, Colombia, Argentina at Chile sa pagitan ng October 20 at November 10 ngayong taon.

Ang seminar na pinamagatang Mga Pamamaraan sa Avramis Swing Trading ay ipi-presenta ng kilalang tagapagsalita na si Jarek Duque sa San José, Cali, Buenos Aires at Santiago, kung saan sasalubungin din ng mga kinatawan ng XM ang mga kasalukuyan at bagong kliyente na pupunta sa seiminar.

Kaya naman nais naming imbitahan ang aming mga partner at IBs para ipaalam sa kanilang mga kliyente ang nalalapit na event, nang hindi masayang ang oportunidad na makapunta sa libreng seminar na may layuning makapagbigay ng praktikal na impormasyon na kinakailangan sa mas matagumpay na pag-trade online.

Para magbasa pa ng karagdagang detalye tungkol sa libreng seminar, mangyaring mag-click dito.