Babalik ang XM sa Italya para Dumalo sa Investing Roma

Nakapaskel Setyembre 3, 2019 ng 8:24 am GMT

Sa Oktubre 4, babalik ang XM sa kapital ng Italya para dumalo sa pinansyal na expo na Investing Roma, kung saan nasasabik na ang mga kinatawan ng aming kumpanya na makilala ang mga lokal na partner sa Italya at kanilang mga kasalukuyan at potensyal na kliyente.

Gaganapin sa Centro Congressi Roma, Piazza della Pilotta 4, ang Investing Roma ay may layuning mapalapit ang mga tagapagbigay ng pinansyal na serbisyo at mga bisita para makapagbigay ng malawak na programa tungkol sa mga paksang may kinalaman sa pag-i-invest, upang malaman nila ang pulso ng pananalapi sa buong mundo.

Ang nalalapit na expo ay magandang oportunidad para sa mga partner namin na nagsasalita ng Italyano, upang dalhin ang kanilang mga kliyente na gusto pa kaming makilala at nais mag-invest sa XM. Matutuwa ang mga kinatawan ng aming kumpanya na salubungin ang bawat bisita sa opisyal na XM booth blg. 5 para mabigyan sila ng pag-unawa sa hanay ng mga serbisyo at produkto na inaalok namin.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa expo, mangyaring mag-click dito.