Bibisita muli ang XM sa Thailand para sa Panibagong Forex Seminar

Nakapaskel Setyembre 5, 2018 ng 8:27 am GMT

Ngayong tagsibol magsasagawa na naman ang XM ng mga panibagong seminar sa magkakaibang lokasyon sa Thailand, kung saan nais naming imbitahan ang aming mga partner at kanilang mga kliyente na gustong matuto ng karagdagang kaalaman upang magkaroon ng mas mataas na kumpiyansa kapag nag-iinvest sa forex.

Ang mga seminar ay gaganapin sa Chiang Mai, Udon Thani at Bangkok sa pagitan ng October 6 at November 3, na libre para sa mga kliyente ng XM. Makakapagbigay ito ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa paksang pinamagatang Pagsasamantala sa Pabagu-bagong Presyo – Bollinger Bands. Sa bawat siyudad, tatalakayin ng tagapagturo na si Sompop Jittrakul ang mga pinakamahahalagang detalye tungkol sa paggamit ng technical analysis para masukat ang pabagu-bagong presyo sa market, nang may espesyal na tuon sa paggamit ng Bollinger Bands, na isa sa mga pinakamahusay na kasanayan kapag nagti-trade.

Para sa mga baguhan pa lang sa forex trading o sa mga nais patibayin ang kanilang kaalaman sa pag-trade, maraming maidudulot ang seminar sa magkakaibang aspeto, kung saan ang pinakamahalaga ay ang pagiging praktikal nito.

Para sa detalyadong paglalarawan ng mga seminar na gaganapin sa Chiang Mai, Udon Thani at Bangkok, mangyaring mag-click dito.