Nalalapit na XM Seminar sa Kedah

Nakapaskel Hunyo 19, 2018 ng 8:31 am GMT

Ikinagagalak naming ipaalam sa aming mga partner, IBs, at kanilang mga kliyente na ang pangalawang serye ng mga seminar ng XM na nagsimula sa Malaysia ngayong tag-init ay magpapatuloy pa sa siyudad ng Kedah sa August 18.

Nasasabik na ang mga kinatawan ng aming kumpanya at ang tagapagsalita na si Zulle Razak na kilalanin ang mga dadalo sa seminar tungkol sa paggamit ng mga istratehiya sa pag-trade ng forex at kapag nagti-trade ng iba pang financial instruments.

Ang seminar ay may layuning makapagbigay ng mga makakatulong na gabay sa kung paano magsagawa ng sistematikong istratehiya sa pag-trade na nababagay sa kanilang indibidwal na kaalaman, karanasan, estilo at lebel ng risk management. Magbibigay ito ng malinaw na impormasyon na makakatulong sa lahat ng mga nangangailangan ng propesyonal na gabay para pabutihin ang kanilang pag-trade.

Tutuon si Zulle Razak sa kung bakit mahalagang intindihin ang mga pangunahing aspeto sa pag-trade, kung bakit kailangang gumawa ng makatotohanang layunin sa pag-trade, malaman ang iba’t-ibang technical analysis tools, at sumunod sa mahigpit na plano sa pag-trade. Lahat ng mga detalye ay ipapakita gamit ang mga madadaling halimbawa, na siyang makakatulong para mas maintindihan ng mga bisita ang online investing.

Mag-click dito para magbasa pa ng karagdagang detalye tungkol sa nalalapit na seminar sa Kedah.