Bibisita ang XM sa Paris para Dumalo sa Salon du Trading

Nakapaskel Agosto 12, 2019 ng 8:39 am GMT

Sa Setyembre 13 babalik ang XM sa Paris para lumahok sa ika-14 na edisyon ng internasyonal na trade fair na Salon du Trading, kung saan nasasabik na ang mga kinatawan ng aming kumpanya na makilala ang mga lokal na partner at kanilang mga kliyente.

Magbibigay ang Salon du Trading ng malawak na programa para sa mga bisita, kabilang na ang oportunidad na makipag-ugnayan sa mga kaparehong nag-i-invest online at makilala ang mga tagapagbigay ng pinansyal na serbisyo.

Para sa mga partner namin na nagsasalita ng Pranses, ang nalalapit na expo ay isang mahusay na oportunidad para personal na makilala ang XM sa Salon du Trading at madala ang kanilang mga kasalukuyan at potensyal na kliyente na gustong matuto at mag-invest sa XM. Nasasabik na ang mga opisyal na kinatawan ng aming kumpanya na salubungin ang mga bisita sa opisyal na XM booth blg. D6 sa Espace Champerret upang mabigyan sila ng detalye tungkol sa hanay ng mga serbisyo at produkto na inaalok para sa mga kliyente sa France.

Para magbasa pa ng karagdagang detalye tungkol sa expo at kilalanin ang XM sa Paris ngayong Setyembre 13, mangyaring mag-click dito.