Pumunta sa mga Forex Seminar ng XM sa Bangkok at Chiang Mai

Nakapaskel Mayo 20, 2019 ng 10:18 am GMT

Matapos ang mga pinakabago naming seminar sa Thailand, magpapatuloy pa kami sa Bangkok at Chiang Mai ngayong Hulyo, at iniimbitahan namin ang mga kliyente na pumunta sa libreng edukasyon na ibinibigay ng XM tungkol sa forex.

Bukod sa pagkakaroon ng oportunidad na makilala ang mga kinatawan ng aming kumpanya sa bawat seminar, lahat ng mga pupunta sa lungsod na kanilang napili ay may pagkakataon ding matuto ng mahahalagang impormasyon mula sa tagapagsalita ng seminar na si Sompop Jittrakul.

Pagsasama-samahin ng seminar na pinamagatang Pag-trade gamit ang Ichimoku Kinko Hyo at Avramis River ang lahat ng mga importanteng detalye sa kung paano magagamit ang technical indicators sa online na pag-trade ng forex. Mapapakinabangan ito nang husto ng mga baguhan pa lang sa pag-i-invest online, at makakapagbigay din ito ng mga praktikal na kaalaman sa mga beterano na sa pagti-trade.

Magbasa pa tungkol sa seminar at samahan kami sa Bangkok o Chiang Mai.