Magdadaos ang XM ng Libreng Forex Seminar sa Athens

Nakapaskel Oktubre 18, 2019 ng 11:16 am GMT

Ngayong Nobyembre, ang mga nag-i-invest online sa Greece ay magkakaroon na naman ng panibagong oportunidad para palawakin ang kanilang kaalaman sa pag-i-invest sa pamamagitan ng pagpunta sa nalalapit na libreng seminar ng XM sa Athens.

Ang edukasyonal na seminar sa forex ay nakatakdang isagawa sa InterContinental Athenaeum Hotel sa kapital ng Greece ngayong Nobyembre 23, kung saan may layunin ang propesyonal na instruktor na si Charalambos Spyridis na talakayin ang paggamit ng mga pamamaraan sa pagsunod sa trend.

Nasasabik na ang mga kinatawan ng aming kumpanya na salubungin ang mga partner at kliyente na pursigidong pabutihin ang kanilang kasanayan sa pag-i-invest sa tulong ng beterano at dedikadong instruktor sa forex na si Mr. Spyridis.

Dahil ang pangunahing layunin ng seminar ay ang mabigyan ang mga bisita ng angkop na kaalaman na kinakailangan para magamit ang mga pamamaraan sa pagsunod sa trend at mapagsama ang mas tamang paggamit ng technical analysis tools sa kanilang kasanayan, lahat ng mga pupunta sa seminar ay tiyak na matututo ng mga praktikal na kaalaman.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa nalalapit na seminar, mangyaring mag-click dito.