Bibisita ang XM sa Pilipinas para sa isang Technical Analysis Seminar

Nakapaskel Hunyo 28, 2018 ng 8:31 am GMT

Ikinagagalak naming imbitahan ang aming mga partner at kanilang mga bago o prospektibong kliyente sa nalalapit na seminar na isasagawa ng XM sa Manila, sa Pilipinas, itong August 25.

Ang nalalapit na forex trading seminar, na idinisenyo para tugunan ang pangangailangan ng mga baguhan at batikang trader, ay pamumunuan ng kilalang tagapagsalita na si Jonathan Lou Reyes tungkol sa Avramis River Indicator at ang paggamit ng Japanese candlesticks.

Dahil ang seminar ay masusing tutuon sa praktikal na aspeto na ipapaliwanag ni Jonathan Lou Reyes, ang mga online investors na pupunta sa seminar ay magkakaroon ng pagkakataong makita kung paano tumatakbo ang support-resistance levels, kung paano bigyang-kahulugan ang trend reversal patterns sa price charts, at kung paano nilalarawan ng Japanese candlesticks ang paggalaw ng presyo ng iba’t-ibang financial instruments.

Higit pa, ipapakita ang paggamit ng isang napakahalagang indicator, ang Avramis River Indicator, na inimbento ng Tradepedia trading academy, na siyang magagamit ng mga trader para tukuyin ang range patterns at malaman ang mga malalakas mag-trend na instruments.

Magbasa pa tungkol dito at pumunta na sa libreng seminar para mapalawak ang iyong kaalaman sa pag-trade.